Mister: Kung gagawa ako ng pelikula, gusto ko, ako si ZORRO!
Misis: Eh ako, sino?
Mister: Si DACOS!
Misis: Dacos? Sino 'yun!
Mister: DA COS of all my ZORROs!

Job interview...

Boss: Ano ang alam mo?
Rommel: Alam ko po kung saan kayo nakatira ng misis mo, at kung saan nakatira ang kabit mo.
Boss: Tanggap ka na!

Tomas: Sobrang tabatsoy na ang misis ko kaya gusto niyang magbawas ng timbang. Nag-horseback riding siya...
Jorge: Ano'ng resulta?
Tomas: Nabawasan ng 10 kilos 'yung kabayo!

Ama: Kumusta ang pag-aaral mo?
Anak: Nag-lesson at test po kami tungkol sa mga manok.
Ama: Ano, madali ba?
Anak: Chicken na chicken!
Ama: Anong grade mo?
Anak: Itlog po.

Dalawang holdaper sa bangko...


Holdaper #1: Yehey! Mayaman na tayo!
Holdaper #2: Bilangin mo na!
Holdaper: Gago! Alam mo namang mahina ako sa math. Abangan na lang natin sa balita kung magkano!

Guro: What is 34 books + 25 books?
Pilo: 59 books po.
Guro: Good. Ang 18 + 29 + 30 books?
Pilo: 77 books.
Guro: Very good. Now, what is 950 + 136 + 672 + 490 + 854 books?
Pilo: Ma'am, library po!

Pasyente: Okey ba ang services sa ospital na ito?
Doktor: Oo naman. Sigurado 'yon.
Pasyente: Paano kung hindi ako satisfied?
Doktor: Ibabalik namin ang sakit mo.

After 50 years...

Urbana: Mare, how's your sexlife?
Dolores: Well, sa age ni pare mo, MUKHA na lang ang nagagalit,
BALAHIBO na lang ang tumatayo at UBO na lang ang matigas.###

Mga kasabihan:

"Magkasinlakas lang ang muscles namin ni Pacquiao, pero hindi talaga ako ang kalaban niya, bakit ba ang kulit ninyo?!" - VINA MORALES

"Anong akala mo sa akin, mayaman?! Nauubusan din ako ng pera!" - ATM

"You never even thanked me for making you happy, then you throw me away just like that... I hate you for using me, for making my life full of shit..." - TOILET PAPER

"Huwag po nating salubungin ang mga bumababa. Hindi po natin sila kamag-anak." - LRT OPERATOR

" Napaka-unfair ng buhay sa mundo... Bakit hindi ako pwedeng magmahal?!" - UKAY-UKAY

"You know, I feel I'm relaxing...you know... Thanks for da God... To all Filipino, thanks for da supporting wid me..." - MANNY PACQUIAO

"Biktima rin ako ng abortion." - BALUT

"Alam kong may gusto ka sa akin. Pasimple ka pa. Bakit hindi mo ako seryosohin? Pero bago ang lahat, gusto ko, alam mo na hindi ako easy-to-get. " - FLAT 1.0

"Huwag mong sabihing pinaiyak kita dahil una mo akong sinaktan." - SIBUYAS

"Panakip-butas lang ba talaga ako?" - PANTY

"Halika, pag-initin mo ako! Kailangan kong pumutok upang ako'y iyong matikman at ika'y masarapan... ayaaan na! Malapit na!!! Puputok na!!!
Aaaaahhhh... ." - POPCORN

"Huwag mo akong sisihin kung cold man ako dahil hindi naman ako magmamatigas kung binigyan mo lang sana ako ng konting importansya! " - KANING LAMIG

"Hindi lahat ng alak, nakalalasing. " - ALAK-SAN

"Hindi lahat ng 13, malas." - 13th MONTH PAY